Ang pagkakakilanlan ng Waray:Wika at Kultura

                              ni:Kashley L. Malooy

     Ang waray ay isang wika naririnig sa mga lalawigan ng Samar,  Hilangan samar, Silangan samar, Leyte, at Biliran sa Pilipinas.Ang waray ay isa sa mga pangunahing Wika sa bansa at mayaman sa kasaysayan at kultura.Ang Waray ay sinasalita ng mga Waraynons sa rehiyon ng Silangang Visayas at may dalawang grupo ito.Una ang mga Samarenyo mula sa Samar at ang mga Leytenyo mula sa Leyte.

    Ayon sa wikipedia.Mas malaking pangkat etnolinggwistiko ng mga bisaya, na ang ika-apat na pinakamalaking pangkat, etnolinggwistiko sa pilipinas. Ang kultura ng mga waray ay mayaman at makulay na nagpapakita ng kanilang kasaysayan at tradisyon. Mayroon silang malalim na paniniwala sa mga diyos at diyosa, ang kalikasan ay may mahalagang papel sa kanilang paniniwala. Ang kanilang kultura ay puno ng mga tradisyon na sayaw, awitin at ritwal na nagpapakita ng kanilang pagkakaisa at pagmamahal sa kanilang komunidad. Ang kanilang mga kasuotan at alahas ay mayaman din sa kahulugan at simbolismo, na nagpapakita ng kanilang katayuan sa lipunan at pagkakakilanlan bilang waray.

      Ang waray ay isa sa mga pangunahing wika sa pilipinas at may malaking bilang ng mga nasa nagsasalita. Ito ay ginagamit sa pang araw-araw na komunikasyon, edukasyon at mga gawaing panlipunan ng mga waraynon. Ito ay isang wikang austronesyo na sinasalita ng rehiyon ng silangang visayas, partikular sa mga lalawigan ng samar, leyte, at ilang bahagi ng biliran at southern leyte.

       Ang mga waraynon ay mayaman sa tradisyon at kultura. Sila ay kilala sa kanilang mga pagdiriwang, agrikultura, pangingisda at pagiging malikhain sa paggawa ng mga produkto.

        Ang mga waraynon ay nagbibigay ng malaking kahalagahan sa kanilang kultura, tradition at wika. Ito ay bahagi ng kanilang identidad at pagkakakilanlan bilang isang pangkat etnolinggwistiko. Ang kanilang kultura ay nagpapakita ng kanilang kasaysayan, pagmamahal sa bayan, at pagiging malikhain. Ang pagpapahalaga sa kultura ay nakatutulong sa pagpapanatili ng kanilang pagkakaisa at pagkakakilanlan bilang waraynon.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Ang wika at kultura Ng Tandaganon